作詞 : Emmanuel Sambayan
作曲 : Pio Balbuena/Emmanuel Sambayan
Patungo sa iyo
‘Di alam kung san ako pupunta
‘Di alam ang gusto
‘Di alam
Pa’no nga ba?
‘Di na ko makagalaw
Oh
Kung di para sa atin
Ay di na rin aamin
Kung di para sa akin
Ay di na rin
Oh
Kung di para sa atin
Ay di na rin aamin
Kung di para sa akin
Ay di na rin
Tama ka nga
Di ko na karapatang tanungin kung meron nang iba
Di na rin dapat itanong sa umaga kung kumain ka na ba?
Yan na ang ating pasya
Tawag at text ay dapat nang iniinda
Pasensya na
Ganon lang talaga pag sanay laging kasama ka
Di ko na saklaw ang mga bagay na ito
Di kita pag-aari at lalong hindi naging sa'yo
Aalagan pa rin kita sa malayo
Yung tipong kaya ka pa ring tanawin
Kahit ilang pulgada man ang siyang abutin
Itong meron tayo'y di ka na kaya pang sagipin
Di na rin para nga ako'y umasa pa
Na sati'y may posible na mangyari pa
Sa hangin ang damdamin ay dinadala
Tanginang pag-ibig to nakakatanga
Di na rin para nga ako'y umasa pa
Na sati'y may posible na mangyari pa
Sa hangin ang damdamin ay dinadala
Tanginang pag-ibig to nakakatanga
Oh
Kahit anumang gawin ko ay di eepekto
Yan ang galit sa puso mo
Ano ba talaga?
Gusto pero may iba?
‘Yoko ng maramdaman
Pinipilit, bakit ba ganyan
Wala ng kamustahan
Kahit magka-ilangan
Balang araw ay akin ding matututunang
Kalimutan ang lahat
Parang bago na aklat
‘Di ka na basa, isa kang alamat
Igihan man sa dalubwikaan ay walang mabubuklat
Patungo sa iyo
‘Di alam kung san ako pupunta
‘Di alam ang gusto
‘Di alam
Pio
Kahit saan ako tumingin
Ala-ala ng mukha mo lang ang kayang tanawin
Di na kita tatawagin at hahanapin
Sarili ko na muna ang aking mamahalin, pero
Kahit saan ako tumingin
Ala-ala ng mukha mo lang ang kayang tanawin
Di na kita tatawagin at hahanapin
Sarili ko na muna ang aking mamahalin, kasi
Di na rin para nga ako'y umasa pa
Lahat ng bagay na pinepwersa, madalas na nasisira
Kaya tatagay na lang sa bahay, baka sakaling di na makikita ang
Ala-ala ng mukha mo
Masasayang nakaraan na ginawa mo pa-
No pa ko lalaban
Kung di ka lalaban e
Ano pang magagawa ko?
Alam ko na kung bakit ka nag-iba
Di na kita hahabulin kung kakapit sa iba
Malamang mahihirapan na ko neto mag-isa
Nasanay na rin kasi ako na kasama kita
Takot ako sumugal, pero sayo pumusta
Wag ka mag-alala di na ko mangangamusta
Kaya wag mo na sana ‘kong paasahin pa
Tangina kasi dati ‘kala ko akin ka